Monday, March 5, 2012

Ang Mani ... Baw!


Dito sa California, maraming klase ng cerveza. (Ano raw yung cerveza? Beer noh.) Sa Pinas, natatandaan ko, puro San Miguel Beer lang. Meron ding iba pero masugid na tagahanga ng San Miguel Beer ang halos lahat ng Pinoy.

Pagdating sa pulutan, dito sa California puro chips and salsa, nacho and cheese. Chips o nacho, pareho lang. Nagkakaiba lang sa sawsawan. Minsan abokado na tinatawag nilang guacamole. O di kaya pinaghalo-halong kamatis, sibuyas, sili, parsley na tinatawag nilang salsa. Mula ata ito sa mga kaibigan nating Mexicano.

Pero syempre naman, pagdating sa Pinoy pulutan, isa lang ang paborito ko. Ang Mani. Baw! Ang mani, malutong, may alat, may anghang, may bawang na malutong, madaling ihanda sa platito at nakaka-adik talagang kainin at papak-papakin.

Yung isa sa mga ka-opisina ko palaging nagtitinda ng mani, may regular at mayroong maanghang. Syempre palagi akong kumukuha ng maanghang. Tsalap! Pero walang beer dito sa opisina eh. HaHaHa

Hindi lang yan ang paborito kong pulutan noh, pero yan ang pinakasimple at pinakamadaling pulutan para sa akin. Naaalala ko ang Pinas kapag yan ang kinakain ko. Mas masarap pa sa chips at salsa. Di ba?

Unang Blog sa Tagalog


Malamang Taglish ang labas nitong blog na ito. Pero, ang dahilan kung bakit ako nagbukas ng Tagalog bersyon ng aking blog eh para naman hindi ko makalimutan magsalita ng Tagalog. Kadalasan kasi, napapahinto ako at tititig sa hangin sabay tanong sa sarili ko ng, "Ano nga ba ang tawag dun?" Naka, hindi tama. HaHaHa

Gumaganda na ang kalangitan dito sa California. Malapit na kasi ang spring. Humahaba na ang araw kaya naman ang pakiramdam ko eh laging masaya. Malungkot kasi kapag winter noh. Laging malamig at nakakulong sa loob ng bahay. Kapag maaraw na, gimik na! Labas na ang bisikleta, sige padyak.

Hindi ko pa alam kung anong klaseng dekorasyon ang ilalagay ko dito sa bagong blog ko. Maka-Pilipinas ba? O maka-ako? Ano sa palagay mo? HeHe

Maikli lang itong unang post ko ha. Kasi naman nauubusan ako ng Tagalog. Naka! Kailangan kong mag-ensayo ng sulat Tagalog. Nakakahiya kasi baka makita nung Pilipino kong guro. Ay sus!