Wednesday, April 4, 2012

Mahal Na Araw


Naku po, mahal na araw na. Miyerkules Santo na dito sa California (Huwebes Santo naman sa Pinas). Hindi mo masasabing mahal na araw dito dahil walang pabasa, walang istasyon ng krus at walang penitensya. Hindi rin naman palakain ng isda ang mga tao dito. Eh kasi naman hindi ko na sinusunod yun noh. Hindi naman kasi karne ng baka at manok ang tingin ko sa kasabihang, "Bawal ang karne kapag Biyernes," tuwing mahal na araw.



Wala rin namang mga palaspas dito na inilalagay sa harap ng bintana ng bahay. Siguro yung mga sagradong katoliko talagang todo ang dekorasyon nila kapag mahal na araw. Kung meron man silang pabasa eh sa loob lang ng bahay at walang mikropono.



Ang talagang wala dito eh yung senakulo - parang stage play drama ginaganap ang buhay ni Hesukristo nang siya ay ibinenta ni Hudas. Yung penitensiya dito wala rin. Walang gustong magpapako sa krus. HeHeHe Nakaka-miss yung mga pam-publikong tradisyon sa Pilipinas, lalo na kapag parada sa kalsada ang usapan. Kaso kapag penitensiya naman ang pinapanood ko eh lumalayo ako. Tumatalsik kasi yung dugo ng mga nagpepenitensiya eh. Kadiri noh! Para ka nang nagpa-blood transfusion na hindi sterilized. Naka!



O ikaw, ano ba ang tradisyon ninyo kapag mahal na araw? Nakakita ka na ba ng penitensiya sa kalye? Meron pa bang gumagawa non? Tagal na ako dito sa California, walang gustong magpauso niyan dito. Baka kasi mabigyan sila ng ticket ng CHP. Bahahaha.


Wednesday, March 14, 2012

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka


One of my favorite Tagalog songs is "Tuwing Umuulan At Kapiling Ka" sung by Basil Valdez with Ryan Cayabyab's arrangement. Syempre masarap may kayakap kapag umuulan noh. Hindi pa uso ang Snuggie noon eh. HaHaHa

Tuwing Umuulan at Kapiling Ka

Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti-unting bumabalot sa buong paligid tuwing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang hangi't ula'y ay tumila na

chorus:

Buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw rin magpapaalam na
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?

chorus2:

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa
Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

*instrumental*

Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan ka
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?

Chorus:

Buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa
Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasabog
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Monday, March 5, 2012

Ang Mani ... Baw!


Dito sa California, maraming klase ng cerveza. (Ano raw yung cerveza? Beer noh.) Sa Pinas, natatandaan ko, puro San Miguel Beer lang. Meron ding iba pero masugid na tagahanga ng San Miguel Beer ang halos lahat ng Pinoy.

Pagdating sa pulutan, dito sa California puro chips and salsa, nacho and cheese. Chips o nacho, pareho lang. Nagkakaiba lang sa sawsawan. Minsan abokado na tinatawag nilang guacamole. O di kaya pinaghalo-halong kamatis, sibuyas, sili, parsley na tinatawag nilang salsa. Mula ata ito sa mga kaibigan nating Mexicano.

Pero syempre naman, pagdating sa Pinoy pulutan, isa lang ang paborito ko. Ang Mani. Baw! Ang mani, malutong, may alat, may anghang, may bawang na malutong, madaling ihanda sa platito at nakaka-adik talagang kainin at papak-papakin.

Yung isa sa mga ka-opisina ko palaging nagtitinda ng mani, may regular at mayroong maanghang. Syempre palagi akong kumukuha ng maanghang. Tsalap! Pero walang beer dito sa opisina eh. HaHaHa

Hindi lang yan ang paborito kong pulutan noh, pero yan ang pinakasimple at pinakamadaling pulutan para sa akin. Naaalala ko ang Pinas kapag yan ang kinakain ko. Mas masarap pa sa chips at salsa. Di ba?

Unang Blog sa Tagalog


Malamang Taglish ang labas nitong blog na ito. Pero, ang dahilan kung bakit ako nagbukas ng Tagalog bersyon ng aking blog eh para naman hindi ko makalimutan magsalita ng Tagalog. Kadalasan kasi, napapahinto ako at tititig sa hangin sabay tanong sa sarili ko ng, "Ano nga ba ang tawag dun?" Naka, hindi tama. HaHaHa

Gumaganda na ang kalangitan dito sa California. Malapit na kasi ang spring. Humahaba na ang araw kaya naman ang pakiramdam ko eh laging masaya. Malungkot kasi kapag winter noh. Laging malamig at nakakulong sa loob ng bahay. Kapag maaraw na, gimik na! Labas na ang bisikleta, sige padyak.

Hindi ko pa alam kung anong klaseng dekorasyon ang ilalagay ko dito sa bagong blog ko. Maka-Pilipinas ba? O maka-ako? Ano sa palagay mo? HeHe

Maikli lang itong unang post ko ha. Kasi naman nauubusan ako ng Tagalog. Naka! Kailangan kong mag-ensayo ng sulat Tagalog. Nakakahiya kasi baka makita nung Pilipino kong guro. Ay sus!