Wednesday, April 4, 2012

Mahal Na Araw


Naku po, mahal na araw na. Miyerkules Santo na dito sa California (Huwebes Santo naman sa Pinas). Hindi mo masasabing mahal na araw dito dahil walang pabasa, walang istasyon ng krus at walang penitensya. Hindi rin naman palakain ng isda ang mga tao dito. Eh kasi naman hindi ko na sinusunod yun noh. Hindi naman kasi karne ng baka at manok ang tingin ko sa kasabihang, "Bawal ang karne kapag Biyernes," tuwing mahal na araw.



Wala rin namang mga palaspas dito na inilalagay sa harap ng bintana ng bahay. Siguro yung mga sagradong katoliko talagang todo ang dekorasyon nila kapag mahal na araw. Kung meron man silang pabasa eh sa loob lang ng bahay at walang mikropono.



Ang talagang wala dito eh yung senakulo - parang stage play drama ginaganap ang buhay ni Hesukristo nang siya ay ibinenta ni Hudas. Yung penitensiya dito wala rin. Walang gustong magpapako sa krus. HeHeHe Nakaka-miss yung mga pam-publikong tradisyon sa Pilipinas, lalo na kapag parada sa kalsada ang usapan. Kaso kapag penitensiya naman ang pinapanood ko eh lumalayo ako. Tumatalsik kasi yung dugo ng mga nagpepenitensiya eh. Kadiri noh! Para ka nang nagpa-blood transfusion na hindi sterilized. Naka!



O ikaw, ano ba ang tradisyon ninyo kapag mahal na araw? Nakakita ka na ba ng penitensiya sa kalye? Meron pa bang gumagawa non? Tagal na ako dito sa California, walang gustong magpauso niyan dito. Baka kasi mabigyan sila ng ticket ng CHP. Bahahaha.


No comments:

Post a Comment