Monday, March 5, 2012

Ang Mani ... Baw!


Dito sa California, maraming klase ng cerveza. (Ano raw yung cerveza? Beer noh.) Sa Pinas, natatandaan ko, puro San Miguel Beer lang. Meron ding iba pero masugid na tagahanga ng San Miguel Beer ang halos lahat ng Pinoy.

Pagdating sa pulutan, dito sa California puro chips and salsa, nacho and cheese. Chips o nacho, pareho lang. Nagkakaiba lang sa sawsawan. Minsan abokado na tinatawag nilang guacamole. O di kaya pinaghalo-halong kamatis, sibuyas, sili, parsley na tinatawag nilang salsa. Mula ata ito sa mga kaibigan nating Mexicano.

Pero syempre naman, pagdating sa Pinoy pulutan, isa lang ang paborito ko. Ang Mani. Baw! Ang mani, malutong, may alat, may anghang, may bawang na malutong, madaling ihanda sa platito at nakaka-adik talagang kainin at papak-papakin.

Yung isa sa mga ka-opisina ko palaging nagtitinda ng mani, may regular at mayroong maanghang. Syempre palagi akong kumukuha ng maanghang. Tsalap! Pero walang beer dito sa opisina eh. HaHaHa

Hindi lang yan ang paborito kong pulutan noh, pero yan ang pinakasimple at pinakamadaling pulutan para sa akin. Naaalala ko ang Pinas kapag yan ang kinakain ko. Mas masarap pa sa chips at salsa. Di ba?

2 comments:

  1. Masarap nga ang mani pulutan sa San Miguel Beer although di na masyado uso sa Pinas ang SMB siguro dahil sa kamahalan. Pero ang maganda, marami ng flavor ang mani ngayun bukod sa binusang mani! At ang pinaka patok.. Adobong mani :))

    ReplyDelete
  2. Ay totoo yan. Masarap talaga ang adobong mani. Pero nakaka-adik itong itinitinda ng ka-opisina ko. Maanghang!

    Mahal na ba ang SMB? Matagal na kasi ako dito sa California kaya wala na ako masyado balita sa mga bagay-bagay. Nuong 2001 ang huling paglagi ko sa Pinas. Tagal na. Dito kasi sangkatutak ang beer. Iba-ibang klase.

    ReplyDelete